Nº. 1 of  48

you're just having some idiotic dream.

Walang koneksyon ang URL sa laman nito.

rain rozul. 20. mechanical engineering student. random.
guitarist. graphic artist. wizard. cinephile. audiophile. movie critic. magician. self-proclaimed dj. gamer. drummer. badminton player. photographer. blogger. leader. follower. dreamer. friend.
twitter: @rainrozul

don't forget to hit ASK and suggest anything under the sun. go ahead.

one last thing, HINDI AKO NAGLALARO NG DotA.
Lalo na yang DotA 2.

Tama bang bumalik pa ako?

Tama bang bumalik pa ako?

Dadating di pala sa buhay mo na tatalikod din sila sa’yo, lalayo, at panonoorin mo lang silang maglaho.

Pahinga muna dahil sa napakaraming gawain. Maglilibang muna ako, at ito ang regalo nila sakin.

Ang bagong Adobe Photoshop CS6 Extended! Woo! Upgraded ang Content-Aware!

Kinain ka na ng katangahan, hindi mo ito maiwasan.

madalas ako makakita ng ganito sa tumblr wala na ngang laman yung post hindi pa marunong gumamit ng tamang punctuation marks ito na ata ang pinaka-tangang nagawa ko dito XD smiley smiley emoticons gif gif period period comma comma period strikethrough bagay ba tth„.

Nagsimula akong mawalan ng ganang magsulat dito sa Tumblr dahil sa naglipanang walang katuturang lathala. Hindi ko alam kung ang teknolohiya ba ang naging dahilan upang maging inutil ang kabataan ngayon, hindi marunong gumamit ng tamang pananalita, paggamit ng mga pananda, tamang baybay ng mga salita at ng mga tulad nito. Hindi naman kulang ang keys sa mga ginagawang keyboard pero bakit nagkukulang na lagi ang mga letra ng salita nila?

Nagkalat na sila dito, ang dati kong nakasanayang babasahin ay unti-unti nang naglalaho. Dumami na ang mga tao, napakakapal na ng populasyon dito sa mundong ito, na hindi na nagiging kaaya-aya ang mga naglalabasang sulatin. Nagsusulputan din ang mga “blogger” na nakikipagkumpitensya, nagpapagalingan, naghahangad ng pansin sa hindi malamang kadahilanan.

Madami na rin ang nagtatalo, nawawala na ang pagpapakumbaba na nung magsimula dito ay dala nila. Habang tumatagal ay tumataas ang tingin sa sarili at nagmamalaki sa kanilang narating. Hanggang saan ba ang naabot mo, bukod sa harap ng kompyuter na ginagamit mo?

Saloobing walang halaga. Pagmamalaking wala namang makukuha. Pagmamataas kahit wala namang naabot. At tulad nito, pagtutol sa mga ginagawa ng iba pero wala namang magagawa.

Sa mga natitirang matino pa ang pag-iisip, subukan nating ibalik ang nakaraan. Gawin natin sa sarili nating paraan at huwag nang iasa sa iba.

Malamang sa malamang, kakilala ko ‘tong hinayupak na anon na ‘to. Pero dahil sa nakaugalian kong sagutin lahat ng tanong, ilalabas ko ito.

Hindi eh.

Kalbo, anong naisip mo at naitanong mo ito, kalbo? HAHA.

Hindi ko buhay ang Tumblr.

Pero naging parte ito ng buhay ko.

Sa Tumblr, marami akong natutunan, nalaman, nakilala at naging kaibigan. Binigyan ako nito ng ligaya. Naging parte ako ng isang komunidad na punung-puno ng iba’t ibang ugali at personalidad. Hindi ko isinasantabi ang naitulong nito sa akin. Naging bukas ang isipan ko sa lahat ng ideyang aking nakikita. Nahasa ko ang aking sarili na magpahayag ng aking naiisip at nararamdaman. Natuto akong makihalubilo ng maayos sa iba.

Pero hindi ko buhay ang Tumblr. Huwag naman sana, pero dadating din ang panahon na maglalaho ang lahat ng kasalukuyang nangyayari dito. Maisasantabi ko sa susunod ang lagi kong inuuna ngayon, magkakaroon ako ng buhay sa labas ng munting mundong ito. Ang tunay na buhay, ang mundong umiikot sa paligid ng araw. Ang mundong kinatatayuan ko, ang buhay na haharapin ko.

Nasobrahan ata ako sa paggamit ng Tumblr. Imbes na ako ang gumamit dito, hindi ko namalayan na kinakain na niya ako. Nilalamon ang bawat laman ko, inubos nito ang oras ko. Ang oras na dapat ay inilaan ko sa mas importanteng bagay.

Isang kathang-isip lamang ang nabasa mo. Patuloy pa din akong gagamit nito. Patuloy pa din akong gagamitin nito. At patuloy pa din ang pagkain nya.

Kung gagamitan mo ng logic at common sense ang mga teleseryeng napapanood sa TV,di ka na matutuwa. Wala kasi sila nito.

Tingin ko di lang na-“Safely Remove Hardware” ang Pilipinas. Ayun, na-CORRUPT.

(Source: thebottomlesscoffee)

Cover Photo ng Facebook.

facebook.com/djnamida

Cover Photo ng Facebook.

facebook.com/djnamida

Sayang, walang reset button ang buhay. Walang reformat. Walang uninstall. Lahat ng nangyari, naka-save na.

Pero tuloy pa din ang buhay. Dapat maging masaya sa mga naganap. Nagbigay ito ng ligaya, at bumuo sa iyong pagkatao. Kung sino ka ngayon, kung ano ang paraan ng pagkilos at pananalita mo.

Maging masigla. Lumingon ka at magpasalamat. Huwag mo silang kalimutan.

Ang hirap kasing pakinggan kapag sinabihan ka ng “tinatamad ako.”

Parang sinabihan mo ako ng “ito ang oras mo para makapag-isip-isip.”

Day 18.

Just a doodle.

Nung ginagawa ko ‘to naalala mo sinabi ko, ikaw yung iniisip ko?

Day 17.

Kasi partners tayo. Mani!

Matrabaho kumain ng mani, huhubaran mo muna bago makakain.

#ang hubad na katotohanan #bastos

Day Sixteen.

KM: Rainier Carlo, Rainier Carlo, tara laro tayo!

RC: Halika Krizzia Mae! *hawak sa kamay*

KM: *suntok*

RC: *suntok*

*umiiyak*

RC: Krizzia Mae, Krizzia Mae, tahan na, wag ka nang umiyak.

KM: *umiiyak* Isusumbong kita sa nanay ko, Rainier Carlo!

RC: Tahan na, Krizzia Mae, mapula na yung mata mo oh.

KM: *tumakbo* Nanay! Nanay! Si Rainier Carlo niaaway ako! *kusot ng mata*

RC: *humabol* Krizzia Mae, halika na dito oh.

KM: ‘Di tayo bati, Rainier Carlo!

RC: *hinila si Krizzia Mae*

KM: *kusot ng mata*

RC: *yakap ng mahigpit*

KM: *sumandal sa dibdib*

RC: *halik sa noo*

Hayaan mong punan ko yung mga pagkukulang ko mula nung bata pa tayo, yung mga panahon na pareho pala tayo ng ginagawa, sabay pala tayo nang hindi natin namamalayan, yung mga oras na naghihintayan lang pala tayo. Samahan mo ako sa bagong simula, isang bagong buhay na ibinigay sa atin ng Panginoon. Hayaan mong punan ko yung dalawapung taon na wala ako sa piling mo. Hayaan mong patunayan kong habambuhay tayong magiging masaya. Samahan mo ako bumuo ng magandang pamilya. Hayaan mong maipakita ko sa’yo na nandito na ang hinihintay mo, yung inaasam mong magbibigay ng ligaya sa’yo, yung po-protekta sa’yo huwag ka lang masaktan, yung magiging sandalan mo sa lahat ng oras, kailangan mo man o hindi.

Day 16, ang pinakamahalagang araw natin sa buwan, ang aking inspirasyon. Baby, ikaw ang nagbigay ng kulay sa mundo ko. Ikaw na ang bahala sa akin ha? Alam ko naman na iingatan mo ako, at ganun din naman ako sa iyo.

Day 15.

Gagawa tayo ng masayang pamilya. Magkasama tayo sa isang bahay, aalagaan natinyung mga anak natin. Makikipaglaro tayo sa kanila. Mga batang sobrang kulit. Magaslaw. Walang pagod. Maingay. Yung tawanan nila. Yung may iiyak na isa kapag nagkapikunan eh iiyak na. Sabay-sabay tayong kakain. Magkukwentuhan tayo. Maghaharutan. Pagdating ng gabi, magkakatabi tayong matutulog. Kukwentuhan natin sila para mahimbing silang makatulog. Titimpalahan natin sila ng gatas. At pagdating ng umaga, sabay-sabay natin itong sasalubungin ng may ngiti.

Nº. 1 of  48